its not by chance, its by choice.

ito ang buhay! nasa baba o nasa taas! may lablyp o wala! gutom o busog! may pera o wala! maganda o panget! sweet o bitter! matalino o hindi! itim o puti! malungkot o masaya!


Ask me anything  

Minsan may Isang Puta by Mike Portez-Borromeo

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Tunay Na Kaibigan

“Marami kang kaibigan, pero hindi lahat tunay…diba??? Hindi maiiwasan may mga kaibigan na pang good time lang…un bang, makakasama mo lang sa mga gimik!! Mayroon naman, kaibigan na maaalala ka lang pag may problema sila o may kailangan sila sa’yo…okay lang kung tatangapin mo sila pero hindi sila yung tipong karapatdapat itago…FOREVER i mean!

Ang tunay na kaibigan ay yung mga taong kasama mo sa lahat ng dinaranas mong saya at lungkot. Nariyan sa tabi mo kahit wala kang pera o hindi mo maibigay ang materyal na bagay sa kanila. Yung kahit walang maipayo sa mga problema mo basta handang makinig at dumamay sa bawat pagpatak ng luha mo. Yung hindi ka iiwan kahit alam na niya ang lahat lahat ng tungkol sa’yo!!!

Kaya nga hindi ganun kadali makahanap ng isang TUNAY NA KAIBIGAN!”

Huwag mong gamitin ang kahinaan ng iba para sa sarili mong kapakanan! xp rience
Reblogged from the-beautiful-fight
[Flash 9 is required to listen to audio.]

TAYLOR SWIFT - Safe And Sound


[Taylor Swift]

I remember tears streaming down your face

When I said, I’ll never let you go

When all those shadows almost killed your light

I remember you said, Don’t leave me here alone

But all that’s dead and gone and passed tonight

Just close your eyes

The sun is going down

You’ll be alright

No one can hurt you now

Come morning light

You and I’ll be safe and sound

Don’t you dare look out your window 

Darling, everything’s on fire

The war outside our door keeps raging on

Hold onto this lullaby

Even when the music’s gone

Gone

Just close your eyes

The sun is going down

You’ll be alright

No one can hurt you now

Come morning light

You and I’ll be safe and sound

Just close your eyes

You’ll be alright

Come morning light,

You and I’ll be safe and sound…

“What Doesn’t Kill You”

You know the bed feels warmer

Sleeping here alone

You know I dream in color

And do the things I want

You think you got the best of me

Think you’ve had the last laugh

Bet you think that everything good is gone

Think you left me broken down

Think that I’d come running back

Baby, you don’t know me, ‘cause you’re dead wrong

[chorus]

What doesn’t kill you makes you stronger

Stand a little taller

Doesn’t mean I’m lonely when I’m alone

What doesn’t kill you makes a fighter

Footsteps even lighter

Doesn’t mean I’m over ‘cause you’re gone

[bridge]

What doesn’t kill you makes you stronger, stronger

Just me, myself, and I

What doesn’t kill you makes you stronger

Stand a little taller

Doesn’t mean I’m lonely when I’m alone

You heard that I was starting over with someone new

They told you I was moving on, over you

You didn’t think that I’d come back

I’d come back swinging

You tried to break me, but you see

[repeat chorus]

[repeat bridge]

Thanks to you I got a new thing started

Thanks to you I’m not the broken-hearted

Thanks to you I’m finally thinking ‘bout me

You know in the end the day you left is just my beginning

In the end

[repeat chorus]

[repeat bridge x2]

I’m not alone

Earthworm has 5 hearts, Octopus has 3, & human has only 1. Kya pg ngmahal ka ng dalawa, better start asking… Tao ka ba talaga??? _hohoho
[Flash 9 is required to listen to audio.]

Click …^


“Set Fire To The Rain” by Adele


I let it fall, my heart,

And as it fell you rose to claim it

It was dark and I was over

Until you kissed my lips and you saved me


My hands, they’re strong

But my knees were far too weak

To stand in your arms

Without falling to your feet


But there’s a side to you

That I never knew, never knew.

All the things you’d say

They were never true, never true,

And the games you play

You would always win, always win.


[Chorus:]

But I set fire to the rain,

Watched it pour as I touched your face,

Well, it burned while I cried

‘Cause I heard it screaming out your name, your name!


When laying with you

I could stay there

Close my eyes

Feel you here forever

You and me together

Nothing is better


‘Cause there’s a side to you

That I never knew, never knew,

All the things you’d say,

They were never true, never true,

And the games you play

You would always win, always win.


[Chorus:]

But I set fire to the rain,

Watched it pour as I touched your face,

Well, it burned while I cried

‘Cause I heard it screaming out your name, your name!


I set fire to the rain

And I threw us into the flames

Where it felt something die

‘Cause I knew that there was the last time, the last time!


Sometimes I wake up by the door,

That heart you caught must be waiting for you

Even now when we’re already over

I can’t help myself from looking for you.


[Chorus:]

I set fire to the rain,

Watched it pour as I touched your face,

Well, it burned while I cried

‘Cause I heard it screaming out your name, your name


I set fire to the rain,

And I threw us into the flames

Where it felt something die

‘Cause I knew that there was the last time, the last time, oh, ohhhh!


Oh noooo

Let it burn

Oh oh ohhhh

Let it burn

Oh oh ohhhh

Let it burn

Oh oh ohhhh

wink!

PAG NAMATAY AKO, WAG KANG PUPUNTA SA BUROL KO,
DAHIL BAKA PAG NAKITA KITA, TUMIBOK ULIT ANG PUSO KO…

at first glance…??? wala naman eh!
But wait! What if you blurred your vision just for a second?
Go cross-eyed, blur your stare…sige lang!
OR simply step few feet back from your monitor.
Now what you see?
A ghost?! hahaha!
hindi kaya

at first glance…??? wala naman eh!

But wait! What if you blurred your vision just for a second?

Go cross-eyed, blur your stare…sige lang!

OR simply step few feet back from your monitor.

Now what you see?

A ghost?! hahaha!

hindi kaya

It does not matter how slow you go so long as you do not stop. Wisdom of Confucius
[Flash 9 is required to listen to audio.]

The One That Got Away

Katy Perry

Summer after high school when we first met

We make out in your Mustang to Radio head

And on my 18th birthday we got that chain tattoos

Used to steal your parents’ liquor and climb to the roof

Talk about our future like we had a clue

Never plan that one day I’d be losing you

And in another life I would be your girl

We keep all our promises, be us against the world

And in other life I would make you stay

So I don’t have to say you were the one that got away

The one that got away

I was dreaming you were my Johnny Cash

Never one, we got the other, we made a pact

Sometimes when I miss you, I put those records on, whoa

Someone said you had your tattoo removed

Saw you downtown singing the blues

It’s time to face the music, I’m no longer your muse

And in another life I would be your girl

We keep all our promises, be us against the world

And in another life, I would make you stay

So I don’t have to say you were the one that got away

The one that got away

The one, the one, the one

The one that got away

All these money can’t buy me a time machine, no

Can’t replace you with a million rings, no

I should’ve told you what you meant to me, whoa

‘Cause now I pay the price

In another life I would be your girl

We keep all our promises, be us against the world

And in another life, I would make you stay

So I don’t have to say you were the one that got away

The one that got away

The one, the one, the one, the one

And in another life I would make you stay

So I don’t have to say you were the one that got away

THE ONE THAT GOT AWAY

ansaveh?!

Heart: mhal q tlga xia

Brain: alam q! sbra p nga d b?

Heart: lam mu pla, e bt plit mo pa xiang kinakalimutan?

Brain: kz ayaw n ktng masktan

Stomach: s sbra mong pgmamahal d kna kumakain

Eyes: pati aq napupuyat n

Liver: korek! plagi k pang umiinom, naapektuhan n kme ni kidney

Lungs: aq din nhihirapan ng huminga

Heart: pasensya n guys .. e2 tlga function eh, ang magmahal.